Saturday, June 11, 2011

Ate's Amazing Adventures: Facemuk




Magka-Facemuk, di ba?
Cinelebrate namin kanina ang ika-9th month ni Kirov (sa 14 pa actually, pero sa pinaka-malapit na weekend dito kami nagse-celebrate) at shempre, bukod sa kaunting salu-salo, hindi mawawala ang kodakan.  For the first time, ngayon lang kami nagkaroon ng kasambahay na hindi umaatras mapa sa handang pagkain o sa kodakan.  Of course, I'm talking about you-know-who.
Masigasig si Ate na nagvolunteer sa pagbili ng ice cream.

Pagdating, tinanong ko kung anong flavor dun sa listahang dala nya ang nabili nya:

Ate: "Shempre, Madam, chocolate.  Yun agad ang hinanap ko kasi masarap yung chocolate eh."  Wala talagang kakupas-kupas si Ate.

Buti na lang, chocolate din ang first choice namin. At parang magic, biglang nawala ang ubo ni Ate.

Anyways, bago ang kodakan, sinabi ko kay Ate na nakaka-facemuk nya si Kris Bernal.  Ang Ate, deadma kunwari, kesyo hindi daw nya kilala si Kris Bernal.

Eto na ang kodakan.  Si Ate, conscious na conscious sa itsura nya at sa strap ng bra nya na panay daw ang litaw sa balikat nya.  Sa sobrang pagka-excite nya, inunahan nya na kami sa dining table kung saan kami magpo-pose.  Sabi ko tayo na lang sya para pantay sila ni Ser sa magkabilang gilid habang kami nina Kamote at Kirov ay nakaupo sa bandang gitna.  Pasaway that she is, umupo pa rin si Ate at sinabi:

"Baka makita sa camera yung bilbil ko, Madam.  Nagka-tiyan na ako dito sa inyo!"

Sa isip-isip ko, "Ayan ang napapala mo kaka-agaw ng sinangag ko!"  Hehehe.

No comments:

Post a Comment