Saturday, June 4, 2011

Don't Drag Me to Hell, you Little Focker! ;D




Saan ba mas magandang lumugar:
Sa sinasakal o sa sumasakal?
Out of our movie list ang mga horror films dahil nagkaka-nightmare si Kamote pagkatapos makanuod ng nakakatakot.  Kahit sa bahay, pag may DVD na horror, kailangan may comedy rin.  Gusto kasi ni Kamote na pagkatapos manuod ng horror, comedy naman ang isasalang para daw makalimutan nya yung nakakatakot na mga eksena (sa tuli hindi natakot, pero sa horror, takot!)
Kahapon, X-men First Class ang pinanuod namin kasama si Kirov.  Ito ang ikalawang pagkakataon na isinama namin si Kirov sa sinehan at hindi tulad nung una namin siyang isinama, medyo nag-kermit (Ang "kermit" ay isang terminong itinawag namin sa tuwing magta-tantrums ang baby) si Kirov kaya hindi ko gaanong na-enjoy ang movie dahil sa ilang ulit na pag "labas-masok" (I love this word!) sa sinehan. 

Ngayong patapos na ang weekend, may nakahanda na naman kaming panuorin mamaya habang kumakain ng lunch.  Mga movies na hindi namin pinanuod sa sinehan dahil pwede namang sa DVD na lang, ang "Drag Me to Hell" at ang "Little Fockers".

And for some reason, pag nababanggit ang "Drag Me to Hell", si Ate agad ang naiisip ko. 


Bakit kaya? ;D


Vavagina monologue:

Hmmm...kahit pala "Little Fockers", si Ate pa rin ang nagreregister....nuninuninuninu.... ;D

No comments:

Post a Comment