Kung dati news lang ang inaabangan ko sa TV, ngayon, halos lahat na ata ng palabas, pinapanuod ko.
Ganun pala talaga pag nasa bahay ka lang at walang ibang magawa habang nag-aalaga ng bata. Kahit anong palabas, papatusin mo.
Hindi ko man sila naumpisahan, natapos ko ang American Idol Season 10, America's Next Top Model Cycle 16 at would you believe, Temptation of Wife. Oo, pati Koreanovela, pero namimili ako. Pag interesting yung plot at maganda ang palitan ng mga linya ng mga karakter, pinapanuod ko.
Tulad na lang ng Secret Garden. HIndi ko rin sya naumpisahan sa TV, pero nung mapanuod ko ang isang episode nito, nabitin ako, kaya ni-youtube ko agad mula sa pilot episode nito hanggang sa episode bago yung napanuod ko at hindi naman ako nagsisi. Baduy? Eh sa nagagandahan ako eh, bakit ba?
Sa totoo lang, mas may laman pa nga ang mga dialogue ng mga napanuod kong koreanovelas kesa sa mga local telenovelas natin (maliban sa Amaya na sinusundan ko na rin dahil hindi basta-basta ang epic serye na ito). Bakit kaya hindi tayo makagawa ng mga de-kalidad na palabas sa TV? Budget ba ang problema? O dahil gusto lang ng local TV industry na mag-invest dun sa alam nilang papatok sa masa at magbabalik sa kanila ng malaking kita?
Hindi naman sa adik ako sa Secret Garden. Naisip ko lang i-post ang mga past episodes nito para dun sa mga katulad kong nahihirapan maghanap ng link sa mga episodes na na-miss nila. So, eto yung mga nasagap ko sa youtube mula sa pilot episode nito noong May 2:
SecretGarden Tagalog Dubbed May 4 2011
SecretGarden Tagalog Dubbed May 5 2011
SecretGarden Tagalog Dubbed May 6 2011
SecretGarden Tagalog Dubbed May 9 2011
SecretGarden Tagalog Dubbed May 10 2011
SecretGarden Tagalog Dubbed May 11 2011
SecretGarden Tagalog Dubbed May 12 2011
SecretGarden Tagalog Dubbed May 13 2011
SecretGarden Tagalog Dubbed May 16 2011
SecretGarden Tagalog Dubbed May 17 2011
SecretGarden Tagalog Dubbed May 18 2011
SecretGarden Tagalog Dubbed May 5 2011
SecretGarden Tagalog Dubbed May 6 2011
SecretGarden Tagalog Dubbed May 9 2011
SecretGarden Tagalog Dubbed May 10 2011
SecretGarden Tagalog Dubbed May 11 2011
SecretGarden Tagalog Dubbed May 12 2011
SecretGarden Tagalog Dubbed May 13 2011
SecretGarden Tagalog Dubbed May 16 2011
SecretGarden Tagalog Dubbed May 17 2011
SecretGarden Tagalog Dubbed May 18 2011

No comments:
Post a Comment