Monday, April 4, 2011

DFA for dummies




Si Kamote matapos pagkaguluhan ng mga bekimon sa DFA

Hindi pa naman expired ang passport ko, pero kinailangan kong magpa-appointment sa DFA (Department of Foreign Affairs) para ipa-update ang pangalan ko at para na rin i-apply ng passport si Kirov.  


Nadiskubre ko na may ilang makulit na pagbabago sa pagpoproseso ng passport ngayon.  Sa mga may balak mag-apply or mag-renew ng kanilang passport, narito ang pinakasariwang impormasyon at ilang walang kwentang tips tungkol sa nasabing proseso:

1)  Bagong new look - Mula noong March 8, ang passport services ng DFA ay nalipat na sa gwapong-gwapong building nila sa Bradco corner Macapagal Avenue sa Aseana Business Park, malapit sa MOA (Mall of Asia).  Nakaka-miss man ang nakasanayan na nating basketball court, pero ngayon ay totoong opisina na ang inyong daratnan doon kung saan makikita ang pinakabagong teknolohiya tulad ng fibre optic lines at electronic records system.  Pero, syempre, nandoon pa rin sila manong guard at ilan pang mga DFA personnel bilang palatandaan ng kadalasa'y baliktad na pagusad ng ekonomiya ng Pilipinas.  Narito ang mapa ng bago nilang opisina: DFA New Office Map.


2)  Bagong mga contact numbers - (02)737-1000, (02) 831-8971, (02) 551-4437, (02) 551-4402, (02)834-4855 and (02) 834-4424.  Tandaan na ang mga numerong nabanggit ay para lamang sa mga gustong mag-apply ng passport at hindi sa mga kailangan ng EB.  Kung hindi makontak ang mga nasabing numero, maari rin namang magpa-appointment via http://www.passport.com.ph/.  May bago silang patakaran na ang may mga confirmed appointments lang ang i-a-accommodate nila sa bagong facility.  Bawal ang escorts, nanay, tatay, kuya, ate, lolo, lola, tita, tito, yaya, driver, alalay, kapitbahay, bf, bff, ff o sinumang hindi naman mag-aaply o magrerenew ng passport, maliban na lang kung ang aplikante ay menor de edad, may kapansanan o sadya lang tanga.  

3)  Wag na magpa-FOTO ME - Isipin mo na lang na para kang pupunta sa isang pictorial o photoshoot ng FHM o Cosmo na may photographer na at po-pose ka na lang sa harap ng camera.  Yun nga lang, bawal ilabas ang maseselang bahagi ng katawan tulad ng ngipin lalo kung bulok, manilaw-nilaw o kulang-kulang.  Bawal din ang alahas at bangs kaya kung pasaway ang buhok mo, tadtarin mo na lang ng gel o basain ng baon mong "mineral" water para kumapit ng husto sa iyong anit.  Wag na wag gagamitan ng laway ang buhok.  Mangangamoy.

4) Maging handa para hindi maging kawawa - Bago mag-apply or magpa-renew, siguruhin munang kumpleto ang iyong mga papeles para hindi kung kelan nasa DFA ka na, saka ka magngangawa.  Para sa listahan ng mga requirements, basahin ng mabuti ito: Passport Application Requirements

5)  Isabay sa pagpaplano ng kasal ang pagplano ng pagkuha ng passport - Pinakamadali at pinakasigurado ang pagpapa-appointment online ngayon kesa mag-walk-in.  Ang kagandahan pa nito ay makakapili ka ng araw kung kailan mo gustong magtungo sa DFA.  Ang catch?  Sa dami ng aplikante, inaabot ng isa o dalawang buwan (o higit pa) bago makakuha ng libreng araw.  Para ka na ring nagpa-reserve sa simbahan o reception sa kasal, kaya isabay mo na  ring planuhin si passport, di ba.

6)  Padaliin ang buhay - Bisitahin lang ang site na ito: http://www.passport.com.ph/ at mag-fill-up ng online form para sa ePassport appointment system.   Yan na ring form na yan mismo ang gagamitin bilang application form na dadalhin sa DFA sa araw ng pag-aaply.  Makakatanggap ka ng email confirmation para sa iyong appointment at link sa accomplished application form na parehong kailangan mong i-print.  Ang dalawang papeles na ito ang unang hahanapin sa iyo ni manong guard sa pagpasok pa lang sa gate ng DFA kaya kalimutan mo na ang pustiso mo, wag lang ang dalawang ito.

7)  Iwasan ang DOTA, Facebook, Starbucks o gimik bago ang araw ng iyong appointment -  Ito ay upang makasiguro na nasa DFA ka na 30 minutes empunto bago ang scheduled appointment mo dahil ide-dedma to the world ka nila kung  late ka o di kaya ay sobrang aga.

8)  Tumulong sa pagpuksa sa mga mapagsamantalang kapitalista - Siguruhing may dalang black bolpen para hindi ka mapilitang bumili ng Bic ballpen sa presyo ng isang Parker pen (Well, in-exaggerate ko lang ng konti so you get the picture) sa mga buwayang naka-abang sa tatanga-tangang mga aplikante na kanilang mabibiktima.

And last but not the least,

9)  Wag patanga-tanga -  May kasabihan po tayo na "Ang kalabasa ay pampalinaw ng mata, ngunit sa duling ay wala nang pagasa."  Kung hindi marunong magbasa, gamitin ang bibig at tenga.  Kung walang bibig at tenga, gamitin ang pera.  "Money talks", ika nga.  At kung wala namang pera, para saan pa ang passport mo bakla?  ;D


No comments:

Post a Comment