Friday, May 27, 2011

Pepper and Onion Smothered Chicken



Mahirap mag-isip ng putahe kaya naghanap na naman ako ng recipe online.  Ito ang nakita kong putahe para sa manok:  Pepper and Onion Smothered Chicken, with a "Happinay twist", as usual.  :)


Narito ang recipe para sa mga gustong sumubok ng putaheng ito:


MGA SANGKAP:
  1. suka - 6 kutsara

  2. manok - 1/2 kilo

  3. cooking oil - 3 kutsara

  4. sibuyas - 2 piraso, hiniwa ng maninipis

  5. Knorr chicken cubes - 1 piraso

  6. all-purpose flour - 1 kutsara

  7. carrot - 1 piraso, hiniwa ng maninipis na pahaba

  8. red bell pepper - 1 piraso, hiniwa ng maninipis na pahaba

PROSESO:
  1. Sa isang mangkok, i-marinate ang manok sa suka at isantabi sa loob ng 5 minuto.

  2. Kapag handa na ang manok, maginit ng mantika sa isang kawali at ilagay ito.  Itabi ang marinade na suka.  Lutuin ng limang minuto ang manok, baliktarin at lutuin din ang kabilang bahagi ng limang minuto.  Sa bahaging ito ko isiningit ang aking secret ingredient para sa mas kaaya-ayang lasa (mag-iwan ng komento para malaman ang secret ingredient ni Happinay).  I-ahon ang manok at itabi.

  3. Sa mantikang pinaglutuan ng manok, lutuin ang sibuyas hanggang maging "brown" ang kulay.  Idagdag ang flour, carrot, bell pepper at ang natirang marinade na suka.  Lutuin hanggang maging "caramelized" ang sibuyas at bell pepper (mga 10 minuto).

  4. I-ahon ang manok, ilagay sa isang plato at isapaw ang mga nilutong gulay sa ibabaw ng manok.

Ang putaheng ito ay maaring ihain sa 4 na tao.



Happy eating! :)



Vavagina monologue:
Suggestion ni Ser na gamitin din ang recipe na ito sa isdang Lapu-Lapu.  Subukan ko next time.

No comments:

Post a Comment