Ano ba ang inaasahan ninyo sa isang bagong panganak na dumaranas ng post partum syndrome at walang trabaho?
Responsibilidad pa ba ng asawa ang saluhin ang problema ng pamilya ng asawa nya, gayong hirap na nga syang itaguyod ang sarili nyang pamilya?
Maraming beses na nga nya kayong tinulungan. Hindi na nga sya humingi ng kapalit o kabayaran. Tinanggap na nga nya ako at ng buong pamilya nya maging ang anak ko sa pagkadalaga. Buong puso nila kaming tinanggap at trinatong kapamilya. Ano pa ba ang kailangan nilang patunayan sa inyo para ituring ninyo silang mabubuting tao?

Hindi pa kayo nakuntento, ikinalat nyo pa sa buong lahi natin kung gaano ako kasamang tao. Pati matalik kong kaibigan, nilason nyo na rin ang isipan. Hindi naman ako bulag para hindi ko makita ang ginagawa ninyong makinarya laban sa akin.
Kung may pera lang ako noong panahong yon, hindi na kayo nagdalawang salita. Kung may pera lang ako noon, siguro mabait pa rin ang tingin nyo sa akin ngayon.
Pera-pera lang talaga. Pera ang nagpapaikot sa makikitid nyong utak.
Naniningil kayo saan? Hindi ba amanos na tayo? Ako nga ang inutangan at tinakbuhan, pero wala kayong narinig sa akin dahil ang mahalaga, nagkasama-sama tayo. Ngayong ako naman ang gipit, lalo nyo pa akong ginigipit,at ako pa rin ang masamang tao.
Kung masama ako, anong tawag sa inyo?
Kayo, na pati ang perang pinadala ng kapatid ni nanay para pampagamot sa kanya ay itinago nyo pa? Sabi nyo, ginastos nyo rin naman talaga kay nanay ang perang yon. Pero bakit kailangan nyo pang itago ito sa kanya kung maganda naman talaga ang intensyon ninyo? Sa ginawa nyong yon, itinago nyo na rin sa kanya ang katotohanang tinulungan sya ng kapatid nya. Walang kamalay-malay si nanay na nagmamalasakit sa kanya ang kapatid nya kahit nasa ibang bansa sya. Hindi nyo na binigyan ng credit ang kapatid nya sa tulong na ibinigay nya kay nanay.
So, ano ang tawag sa inyo?
Kayo, na walang sariling buto para manindigan sa alam nyong tama dahil hindi nyo kayang mabuhay na mag-isa?
Noong panahong ako ang may pera, sa akin kayo sumasama. Ngayon, kanino na?
Para kayong mga linta na bibitiw lang pag wala nang dugong masipsip sa balat ng iba.
Linggo-Linggo kung magsimba kayo pero ganun na lang kung manlason kayo ng isipan ng kapwa nyo.
Panay ang banggit nyo kay Lord, pero dahil lang sa pera, kaya ninyong mamuhi sa sarili nyong kadugo.
Panay ang daing ninyo na hirap kayo sa buhay pero maya’t-maya ang kain nyo sa labas at pagbili ng kung anu-ano.
Tapos, ako ang impakto?
Dahil ba natiis ko nang magkasakit si nanay? Wala nga akong trabaho, di ba? Wala nga akong pera kahit singkong duling. Hindi ko na magawang dumaing sa asawa ko dahil hiyang-hiya na ako sa kanya sa dami ng itinulong nya sa inyo na binalewala nyo lang.
Bakit nyo rin hahanapan ang asawa ko ng pag-aaruga kay nanay kung kayo mismong kadugo nya ay hindi sya matagalan?
Bakit nyo rin hahanapan ang asawa ko ng pag-aaruga kay nanay kung kayo mismong kadugo nya ay hindi sya matagalan?
Bukod sa wala akong maitulong na pera, bagong panganak lang ako, may inaarugang sanggol bukod pa sa 9-year-old na kagagaling lang sa sakit, nagpo-post partum ako at walang kasama sa bahay, tapos gusto nyong sa akin ilagak si nanay?
Ilang linggo pa lang si nanay sa poder nyo, gusto nyo na syang ibalik sa poder ko?
Dalawa naman kayong may ikinabubuhay, may kasama pa kayo sa bahay na pwedeng umagapay, pero sa akin nyo itinatapon si nanay?
Hindi nyo man lang din naisip na ilang taon ko rin namang pinagsilbihan si nanay. Ang lahat ng hirap ko sa poder ni nanay sa loob ng maraming taon, lahat yan balewala sa inyo.

Nagsitakas kayo at nagsipag-asawa, ngayong ako naman ang nagsusumikap na bumuo ng sarili kong pamilya, pinalalabas nyong ako ang makasarili? Ako ang masamang tao?
Sino na nga ba ang nagsabing: "Tatahimik lang ang buhay natin pag namatay na si nanay"?
Sino na nga ba ang nagsabing: "Tatahimik lang ang buhay natin pag namatay na si nanay"?
Sino ba ang sumumpa sa sarili nyang ina at mas pinili ang iba para umuruga sa kanya?
Birthday ng anak nyo, hindi nyo inimbitahan kahit man lang ang mga anak ko. Ipinangalandakan nyo pa ang litratong magkakasama kayo at wala ang pamilya ko. Wala naman kayong narinig sa akin, bagkus bumati pa ako dahil ayokong idamay ang mga walang muwang na bata dito.
Nagkasakit ang anak ko at naospital, ni kamustahin sya hindi ninyo ginawa, samantalang kahit masama ang loob ko, nang magkasakit ang anak nyo, bumati pa rin ako dahil wala namang kinalaman ang mga bata sa kung ano mang isyu meron tayong matatanda.

Panay ang paramdam ko sa inyo na wala akong kinikimkim na kung anumang galit o sama ng loob sa inyo, pero nagpaka-manhid kayo.
Ngayon, ako pa rin ang masamang tao?
Para sabihin ko sa inyo, manhid na rin ako. Kaya kahit ano pang ibato nyo sa akin, kahit hikayatin nyo pa ang lahat ng nakakikilala sa akin para kumampi at kaawaan kayo, wala na kayong maaasahang tugon mula sa akin. Wala na akong pakialam.
Tutal, kahit anong gawin ko, masama pa rin ako para sa inyo. Hindi ko na hihintaying tubuan kayo ng mga pakpak at magbago ang tingin nyo sa isang katulad kong impakto dahil mula sa araw na ito, sisimulan ko nang mabuhay nang wala kayo. Kayong mga anak ng Diyos. Kayong mga mabubuting tao.
No comments:
Post a Comment