6 PM.  Oras na naman ng pagsasaing:
Ate: "Madam, ilan ang isasaing ko?"
Me: "Tatlong takal."
Ate: "Madami pang tirang kanin, Madam."
Me: "Hindi bale nang sobra, wag lang kulang.  Late na makakauwi si Ser mo. Sigurado gutom na gutom yun."
Ate: "Okay, Madam."
Dinner time.  Hindi na namin hinintay si Ser dahil gutom na raw si Ate.  As usual, nauna na si Ate sumandok ng kanin at kumuha ng ulam.  Nagsasandok ako ng kanin sa pinggan ko nang mapansin kong kakaunti ang laman ng rice cooker.
Me: "Ate, ilan ang sinaing mo?"
Ate: "Bakit, Madam?"
Me: "Hindi ito itsurang tatlong takal."
Ate: "Oo nga, Madam."
Me: "So, ilan nga sinaing mo?"
Ate: "2 1/2, Madam."
Me: "Bakit 2 1/2 lang?  Di ba usapan natin 3?
Ate: "Madami kasing tirang kanin eh."
Me: "Eh, tignan mo.  Ang konti na lang ng natira kay Ser."
Tumawa lang si Ate kaya napilitan akong ibalik ang kalahati ng kaning nasa pinggan ko para hindi mabitin si Ser sa kanin nya.  Ang Ate, imbes na gayahin ako, sumandok at dinagdagan pa ang kanin sa plato nya.
Ikaw na ang magka-Ateng katulad nya...

No comments:
Post a Comment