Matagal-tagal din akong napahinga sa pagpopost ng mga Amazing MisAdventures ni Ate gawa ng lintek na internet namin na lagi na lang nagloloko. Dahil dyan, may bagong ibig sabihin sa aking ngayon ang PLDT.
Palaging La Dial Tone.
Nangyayari ang ganyan sa tuwing may bagyo, na para bang kasamang tinatangay ng malakas na hangin ang dial tone at DSL connection namin. Feeling ko, grounded ang linya namin na hindi naman masolusyunan ng mga contractual na mga kablero ng PLDT kahit memorize na nila ang pasikot-sikot sa aming kabahayan.

At sa kabila ng ilang bagyong nagdaan nitong mga huling linggo, tuyo pa rin ang utak ng kasambahay ko. O posible kayang grounded din ito?
Tingin ko, hindi malayo.
Alam nyo bang si Ate lang ang bukod-tanging taong kakilala ko na nakapayong pa habang nag-aalis ng sampay? Malakas ang kutob ko na may lahing mutant si Ate, o di kaya ay gremlin na takot dumami (dito, saludo ako kay Ate).
At kanina, hindi ko alam kung bingi lang sya o talagang may angking yun na. Heto, kayo na ang humusga:
Me: "Ate, nasan na yung sewing kit natin?"
Tumingala si Ate sa kisame, nag-isip.
Ate: "Ano yung sewing kit, Madam? Panungkit?"
Magka-rhyme nga naman kasi...
No comments:
Post a Comment