Thursday, June 2, 2011

Bagyo




Yan si Ate Del, ang pinaka-masayahin
sa lahat ng naging kasambahay namin
Tulad ng nabanggit ko sa bagong post kong Masabaw na gabi, nagreklamo nga si Amazing Ate dahil hindi raw mashadong malambot ang nilagang bakang niluto ko four nights ago (The nerd talaga!).

Hindi ko kasi alam kung saan inilagay nung dati naming kasambahay yung whistler ng pressure cooker na nag-reregulate ng heat at nagpapaalala kung malambot na ang karne.  Ang dating 20-30 minutes na pagpapalambot, naging 1 and ½ hours na tuloy!  Pakshet!
So ngayon, nananawagan ako sa dati naming kasambahay na si Ate Del, a.k.a. Tropical Depression Typhoon Deling (tignan nyo na lang ang picture nya kung bakit) at kung minsan, Lady Gaga (kasi nga, Poker Face ang loka).

Ate Del, kung nasan ka man ngayon, ibalik mo na sa akin si Jun-Jun! Huhuhu!

No comments:

Post a Comment