Friday, June 3, 2011

Happiness promised, Happiness delivered :)

ANG INET!


Marinig ko pa lang yan, naiimagine ko na ang isang basong punung-puno ng yelo at ng paborito kong Coca-Cola.  Lalo na sa panahon ngayon na ang tag-ulan, hindi na nalalayo sa init ng summer.

Hindi ako endorser ng Coke, isa lang naman akong adik na consumer nito.  Minsan parang gusto kong maniwala dun sa kwentong kumalat sa net tungkol sa secret ingredient nito at kung bakit ito tinawag na COKE. 


Nakaka-adik naman kasi talaga, na tipong para kang chumongki ng isang gramo ng cocaine sa isang lagok pa lang nito, lalo na kung ice cold pa…mapapa-AAAHHHHH ka talaga!

Pero bukod sa lasa, isang epektibong pang-akit ng Coke ang mga local ads nito.  Simple pero nakaka-relate ang maraming Pinoy.  Halata mong pinag-isipan, hindi katulad ng mga stupid Cornetto commercials na catchy nga sa umpisa, pero pag in-analyze mo, maiisip mong: “Bakit ka magko-Cornetto kung giniginaw ka naman?  Kaya ka nga bibili ng sweater, di ba?” o di kaya “Bakit ka bibili ng DVD sa isang malaking tindahan kung bente pesos lang ang dala mong pera?  Sa Quiapo ka dapat pumunta, di ba?”

Isa sa mga paborito kong Coke ads ay ang Happiness Truck: napaka-simple, walang stupidong dialogue, may element of suspense at very heart-warming ang message.  GENEROSITY, LOVE, or simply SHARING HAPPINESS WITH OTHERS.  Ang ganda, di ba?  Eto, panuorin nyo:


                   

No comments:

Post a Comment