Saturday, July 9, 2011

Ate's Amazing Adventures: Laundry 101

Nagtataka ako na kahit anim hanggang pitong oras maglaba si Ate, hindi bumabango ang mga damit na nilalabhan nya kahit naibabad pa sa downy ang mga ito, kaya sinubukan kong panuorin kung paano sya maglaba, mula sa pagbabad hanggang sa pagsampay.


Sa pagbabad pa lang sa sabon mismo, sablay na.  Nakita kong inuna nyang ilagay ang mga damit sa palangganang may tubig, bago nya binudbod ang detergent powder, at saka nya pinisil-pisil ng dahan dahan ang mga butil nito.


Me: "Ate, kaya naman pala ganun ang amoy nga mga nilabhan mo, hindi mo muna tinutunaw ang sabon sa tubig bago mo ilagay ang mga damit para ibabad.  Hindi tuloy umeepekto ang sabon dahil buo-buo pa sila."
Ate: "Kaya ko nga po tinitiris yung sabon para matunaw, Madam."


So, parang kuto lang pala ang sabon para kay Ate.


Sa paglalaba naman, OA sa pagkabagal magkusot ni Ate.  Para bang hindi na lulubog pa ang araw kaya chillax to the max lang sya, at lalong parang hindi sya nakadalawang bandehadong kanin sa hina ng pwersa nya.


Kinamusta ko naman ang pagsasampay nya.  Hindi ko alam kung OA lang ako sa pagka-OC, o wala lang talagang sense of order si Ate.  Kinailangan ko pang ituro sa kanya ang tama at maayos na pagsabit sa hanger ng mga damit, at ang maayos na pagsasalansan nito sa sampayan.  Yung tipo bang kung sa kaliwa nakaharap ang curved na dulo ng hanger (yung parang question mark ba) sa unahan, yung susunod hanggang sa kahuli-hulihang hanger ay nakaharap din dapat sa kaliwa.  Bukod sa maganda itong tignan, madali lang kunin ang mga sampay sa isang bitbitan lang.


Partida, magaling pa daw syang maglaba nyan.  Yeah, right.

No comments:

Post a Comment