Saturday, July 16, 2011

Ate's Amazing Adventures: PH

WARNING: Some texts may not be suitable for young readers.  Parental Guidance is advised.


Kahapon, nadiskubre kong ginagamit ni Ate ang sabon namin dahil nag-iwan sya ng ebidensiyang kadiri sa lahat ng kadiri.


Ilang taon na kaming "hairless down south" ni Ser, kaya isipin mo na lang kung anong naramdaman ko nang makita kong may nakadikit na maiksi, kulot, makapal at maitim na maitim na buhok sa sabon namin.
Eeewnesss to the highest level talaga kaya hindi na ako nakapagpigil at kinompronta ko na si Ate.


Me: "Ate, ginamit mo ba yung sabon namin?"
Ate: "Hindi, Madam. Bakit?"
Me: "May nakita akong nakadikit na pubic hair dun sa sabon namin.  Matagal na wala kaming ganon ni Ser."
Ate: "Ganon ba, Madam? Baka nadikit lang nung naghugas ako ng kamay."
Me: "So, ginamit mo nga?"
Ate (super defensive): "Pero hindi ko ginamit sa pekpek ko yun, Madam!  Pinanghugas ko lang ng kamay."
Me: "Eh, san nanggaling yung pubic hair na yun?"
Ate: "Baka naman hindi yun pubic hair, Madam.  Minsan kasi meron akong maliliit na buhok na kulot na nalalagas.  Yun, baka nadikit dun sa sabon nyo."


Nyetang nagpalusot pa talaga si gaga.  Sarap kalbuhin hanggang ngala-ngala.

No comments:

Post a Comment