Sabi ni Ate, nakaka-dry daw ang shampoo namin kaya pumili sya ng sarili nyang shampoo nung unang linggo pa lang nya dito sa amin.
Sa di ko mawaring kadahilanan, mas naunang naubos na ni Ate ang mga personal effects nya tulad ng sabon, shampoo, toothpaste, etc. kesa sa amin pagkalipas lang ng isang linggo, samantalang tatlo kami nila Ser at Kamote ang gumagamit ng sa amin.
Ngumiti lang si Ate nung sabihin ko sa kanya ang obserbasyon ko.
Makalipas ang dalawang buwan, hindi ko na nakitang bumili si Ate ng shampoo nya, habang bumilis naman ang pagkaubos ng shampoo namin.
Haist, naisahan na naman ako ni Ate...
No comments:
Post a Comment