Hay, salamat. May isang araw na namang pahinga ako sa pagbangon ng maaga. Hindi ko na kailangan gumising ng 6am para ipaghanda ng almusal si Kamote. Wala daw pasok sa susunod na Byernes dahil anniversary daw ng EDSA o People Power Revolution.
Salamat, Tita Cory, kung nasaan ka man.
At least, may isang oras pa akong magpapasarap sa kama. Kailangan ko kasing gumising ng 7am para harapin ang mga dapat harapin. Hehe. Secret na muna kung ano ang mga iyon. Basta ito ang tandaan nyo, mas busy ako ngayon pero mas happy at fulfilled ako. Bakit? Dahil nagagawa ko ang mga dapat gawin na hindi na kailangang lumayo pa sa mga mahal ko sa buhay.
This is THE LIFE! :)
No comments:
Post a Comment