Wednesday, April 27, 2011

Stage Nanay ka ba?

Sabi ni Urban Dictionary, ang Stage Mom daw ay:

"Pushy, obnoxious, crazy mothers who force their kids to act, model, or enter beauty contests. Usually turning them into emotionally scared adults who hate their parents."


Malayo naman ako dito. (Except dun sa word na "crazy")

Hindi naman sa nagububuhat ako ng bangko, pero marami ang nagkakagusto kay Kamote at marami ring nagsasabing pwede syang maging model.  At dahil alam kong gusto rin naman ni Kamote maging model, sinubukan ko isang araw na magpictorial kami. May mga modeling agencies kasi akong nakita na tumatanggap ng online application.  So, picture lang at stats ang isasubmit mo, at pag nakursunadahan ka nila, ay kokontakin ka nila at ii-schedule for a vtr.  At ayun nga, nagpictorial kami hanggang si Kamote na mismo ang sumuko.   Na-realize nya na mahirap din pala ang maging isang model.  Kahit pagod ka na kaka-pose, kailangang maganda pa rin ang tindig at porma mo sa harap ng camera.  In short, na pack-up ang photoshoot at hindi na nasundan pa.

Kung stage mom siguro ako, napalo na at nakurot sa singit si Kamote.  Pero hindi ako stage mom, at hinding-hindi ako magiging stage mom ever.  

Maliban na lang kung 10 milyon ang usapan.  

Mangingitim ang singit ni Kamote pag di sya tumigil sa pag-iinarte. ;P

No comments:

Post a Comment