Saturday, May 28, 2011

Ate's Amazing Adventures: Tostadong Itlog

Ate: "Madam, anong gusto nyong luto sa itlog pang-agahan?"

Me: "Prito lang, yung tostado yung puti ha."
Ate: "Okay, Madam."

Makalipas ang ilang minuto, tinawag na ako ni Ate para kumain. Nauna syang pumwesto sa dining table at nag-umpisang kumain.  Sumunod na rin ako.
Kukuha na sana ako ng ulam nang mapansin ko ang itsura itlog na nakahain.

Me: "Hmmm...hindi mo ginawang tostado yung itlog?"

Ate: "Ay, napagpalit ko ata, Madam. Eto yung sa inyo," sabay alok sa akin ng itlog na para sana sa akin pero nabawasan na nya.


Ang aga ni Ate mang-good time...

No comments:

Post a Comment