Saturday, May 28, 2011

Crispy Kangkong

Wala na akong maisip na ibang luto para sa paborito ni Ser na kangkong, kaya’t sinubukan ko ang recipe ng “Crispy Kangkong” para sa aming pananghalian.  Kung tutuusin, madali lang naman gawin.  Ang naging challenge lang ay ang pag-aayos ng dahon sa kawali para hindi tumiklop o kumuluntoy ang mga ito.  Dahil kulang na ako sa oras, hindi ko na ito naayos ng husto.  Hindi man naging maganda ang presentation, masarap pa rin naman ang kinalabasan nito.


MGA SANGKAP:


Kangkong – 1 tali
Itlog – 1, binati
Tubig – 1 tasa, malamig
Asin – ½ kutsarita
Paminta – ¼ kutsarita
Cornstarch – 1 ½ tasa
½ cup all-purpose flour
cooking oil


PROSESO:
  • Tanggalin ang mga dahon ng kangkong at hugasan.  Itabi ang mga tangkay para magamit sa ibang lutuin tulad ng sinigang. 

  • Paghaluin ang itlog, tubig, cornstarch, flour, asin at paminta sa isang mangkok.  Ilagay ang dahon ng kangkong sa pinaghalong mga rekado at siguruhing nalublob ng husto ang mga dahon at pantay ang coating nito.

  • Iprito ang mga dahon sa kawali hanggang maging malutong at golden brown ang mga ito.  Isala pagkatapos upang matanggal ang mantikang sinipsip nito.

  • Maaaring gamitan ng mayonnaise, ketchup o sukang pinakurat bilang sawsawan.

No comments:

Post a Comment