Wala pang replacement ang nasirang cellphone ko at hindi pa rin naaayos ng PLDT ang pobreng landline namin kaya may mga pagkakataon na nagpapakiramdaman na lang kami ni Ser kapag nasa labas sya at gagabihin sa paguwi.
Kadalasan dumarating si Ser ng bandang 730PM at ang pinaka-late na uwi nya ay bandang 930PM na. Pumatak ang alas otso, at inisip kong bigyan pa hanggang 830PM si Ser bago mag-decide kung mauuna na kaming kumain ng dinner. Nakita ko naman kasing nagmeryenda si Ate kaninang alas seis, kaya kampante akong busog pa sya.
Hindi pa man nag-iisang minuto, umeksena na si Ate at sinabing:
"Madam, kain na tayo. Gutom na ang alaga ko."
Gustuhin ko mang tumanggi, nangibabaw na lang din ang takot kong ako ang gawin nyang hapunan.
At kahit gutom na gutom na nang dumating, nabusog naman si Ser sa katatawa nang maikwento ko ito sa kanya.
"Comic relief," sabi pa nya.
No comments:
Post a Comment